DWBL

DWBL
Pamayanan
ng lisensya
Mandaluyong
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Manila at mga karatig na lugar
Frequency1242 kHz
TatakDWBL 1242
Palatuntunan
WikaFilipino, English (ilang mga programa)
FormatNews, Talk, Blocktime
Affiliation
  • Adventist World Radio (ilang mga programa)
  • Pan American Broadcasting (tuwing Linggo)
Pagmamay-ari
May-ariFBS Radio Network
Mellow 94.7
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1972
Dating frequency
1190 kHz (1972–1978)
Kahulagan ng call sign
Bagong Lipunan
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power20,000 watts
Link
WebcastDWBL 1242
DWBL Facebook Page

Ang DWBL (1242 AM) ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-aari at pinamamahalaan ng FBS Radio Network. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Unit 908, Paragon Plaza, EDSA cor. Reliance Street, Mandaluyong, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Malanday, Valenzuela.[1]

Kasaysayan

Ang DWBL ay una nang nakilalang WBL noong panahon ng Batas Militar. Sa oras na iyon, ito ay ang nangungunang himpilan sa Kalakhang Maynila na nag-ere ng Top 40 format. Sina Willy "Hillbilly Willy" Inong, Rudolph Rivera, Bernie Buenaseda at Mike Enriquez ay kabilang sa mga bahagi ng istasyon. Noong 1985, noong lumipat sa DWKC-FM ang halos lahat ng mga personalidad nito at nabuo ang WKC, si Buenaseda lang ay nanatili sa istasyon, ngunit iniwan niya yan pagkatapos ng ilang buwan upang ilunsad ang Magic 89.9. Nang sumunod na taon, nag-reformat ang DWBL bilang himpilang pang-blocktime.[2]

Noong Abril 2015, ang 8TriMedia Broadcasting Network ay bumili ng bahagi ng panahon ng DWBL para sa mga programa nito na pinamamahalaan ng mga tanyag na personalidad sa radyo, tulad nina Dr. Rey Salinel, Fred Lim, Miguel Gil, Percy Lapid,[3][4] Shalala, at Lloyd Umali . Tumagal ito hanggang Oktubre 2015, nang ilipat ang airtime nito sa DZRJ 810 AM, kasabay ng mga bagong programa.[5]

Mga Sanggunian