DYKP

Boracay Beach Radio (DYKP)
Pamayanan
ng lisensya
Boracay
Lugar na
pinagsisilbihan
Boracay at mga karatig na lugar
Frequency97.3 MHz
Tatak97.3 Boracay Beach Radio
Palatuntunan
WikaEnglish
FormatSmooth AC
Pagmamay-ari
May-ariInteractive Broadcast Media
Kaysaysayn
Unang pag-ere
  • 1992 (sa Roxas)
  • 1998 (sa Boracay)
Dating pangalan
  • KPFM (1992-1998)
  • B97 (1998-2000)
  • Dream FM (2010-2011)
Dating frequency
89.7 MHz (1992–1994)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassA / B / C
Power1,000 watts
Link
Websitehttp://boracaybeachradio.com/

Ang DYKP (97.3 FM), sumasahimpapawid bilang 97.3 Boracay Beach Radio, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Interactive Broadcast Media. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa PhilFirst Building, Ayala Avenue, Makati, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Station 3, Malay, Aklan.[1][2]

Kasaysayan

Itinatag ang himpilang ito noong 1992 bilang KP-FM 89.7 sa ilalim ng Westwind Broadcasting Corporation. Noong panahong iyon, sumahimpapawid ito sa Roxas, Capiz . Noong 1994, lumipat ang talapihitang ito sa 97.3 FM. Noong 1998, lumipat ito sa Boracay at muli ito inilunsad bilang B97 o Boracay 97. Gayunpaman, noong 2000, nawala ito sa ere dahil sa kakulangan ng mga advertiser.

Noong 2010, binili ng Interactive Broadcast Media ang talapihitang ito na inilunsad bilang Dream FM.[3] Noong Hulyo 2011, nawala ito sa ere. Gayunpaman, noong Setyembre, bumalik ito sa ere bilang Boracay Beach Radio. Dito dinala ang mga programa ng Dream FM.[4]

Mga sanggunian