Dentin

Ang mga bahagi ng isang ngipin na nagpapakita ng kinaroroonan ng dentin.

Ang dentin, dentino, o dentina (mula sa Ingles na dentin o dentine, at Kastilang dentina) ay ang bahagi ng isang ngiping nasa loob at ilalim ng esmalte o enamel. Tinataglay nito ang puwang ng sapal at kanal ng ugat.[1] Ito ang matigas at tila-marpil o parang garing na sustansiyang bumubuo sa pangunahing bulto o katawan ng isang piraso ng ngipin.[2]

Kayarian

Binubuo ang dentin ng komposisyong kimikal na katulad ng nasa mga buto ng tao subalit maliit lamang ang kayarian o istruktura nito. May laman itong malaking bilang ng napakaliliit na mga nagsasangang mga tubong lumalabas mula sa uka ng pulpo o sapal ng ngipin papunta sa kalatagan ng mismong dentin. Naglalaman ang mga tubong nabanggit ng mga kahabaan ng sapal ng ngipin. Kapag nalantad, maaaring maging sensitibo o maselan ang pandama ng dentin.[2]

Sanggunian


Soolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.