Habanero
| Habanero | |
|---|---|
| Espesye | Capsicum chinense |
| Kultibar | 'Habanero' |
| Kaanghangan | |
| Sukatang Scoville | 100,000–350,000 SHU |
Ang habanero ay isang uri ng siling may anghang na 100,000–350,000 SHU.[1] Kulay luntian ang mga habanero kapag hilaw at nag-iiba ng kulay kapag magulang na. Ang pinakakaraniwang kulay ng ilang uri nito ay kahel at pula, ngunit maari din itong maging puti, kayumanggi, dilaw, luntian o lila.[2] Karaniwan, ang hinog na habanero ay may haba na 2–6 sentimetro (0.8–2.4 pulgada).
Pangalan
Ipinapahiwatig ng pangalan na nagmula ito sa La Habana (Havana). Sa Ingles, minsan mali itong binabaybay bilang habañero at binibigkas bilang /ˌ(h)ɑːbəˈnjɛəroʊ/, dinadagdag ang tilda bilang hyperforeignism na ginaya ang jalapeño.[3]
Mga sanggunian
- ↑ "Chile Pepper Heat Scoville Scale" (sa wikang Ingles). Homecooking.about.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-26. Nakuha noong 2013-04-14.
- ↑ "Chili – Evergreen Orgnaics". EvergreenOrganicsBelize.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-02. Nakuha noong 2016-12-01.
- ↑ "Habanero" (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong 2013-10-26.