Ang Taicang ay isang antas-kondado na lungsod sa ilalim ng kapangyarihan ng antas-prepektura na lungsod ng Suzhou, lalawigan ng Jiangsu. Matatagpuan ang lungsod sa timog ng wawa ng Ilog Yangtze katapat ng Nantong, at hinahangganan ng kabayanan (city proper) ng Shanghai sa timog, habang tinatanda rin ng ilog ang karamihang hangganan nito sa kahabaan ng Pulo ng Chongming.
Pangalan
Bilang pangalan ng pook, ang Taicang ay sinasabing ibabanggit sa isang alaala sa trono ng hidrologong si Jia Dan noong dinastiyang Song. Aniya, " Kung saang nasa silangan ng Kunshan ngayon, ay tinatawag na Taicang, na kilala rin bilang Gangshen."[1]
Kasaysayan
Isang likas na pantalan ang Taicang. Sa ilalim ng dinastiyang Yuan, narating ng lungsod ang tugatog nito sa pagitan ng mga taong 1271 at 1368. Sa ilalim ng dinastiyang Ming, ang Daungang Liuhe ng lungsod ay pinagmulang dako ng mga plota ng kayamanan ng tanyag na marinong si Zheng He. Sa panahong din ito na isinailalim sa pamamahalà ng Prepektura ng Taicang ang mga kulumpon (shoals) sa wawa ng Ilog Yangtze na paglaon ay naging Pulo ng Chongming.[2]
Mga paghahating pampangasiwaan
Namamahala ang Taicang sa pitong mga bayan (zhèn):[3]
Chengxiang (城厢镇)
Fuqiao (浮桥镇)
Huangjing (璜泾镇)
Liuhe (浏河镇)
Ludu (陆渡镇)
Shaxi (沙溪镇)
Shuangfeng (双凤镇)
Tanawin ng Kalye Funan sa Taicang
Mga sanggunian
↑"吳郡志/卷19 - 维基文库,自由的图书馆". zh.wikisource.org (sa wikang Tsino). Nakuha noong 2017-07-06. Where lies to the east of Kunshan nowadays, is called Taicang, also known as Gangshen.
↑2011年统计用区划代码和城乡划分代码:太仓市 (sa wikang Tsino). National Bureau of Statistics of the People's Republic of China. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-01. Nakuha noong 2013-06-03.
* Ipinakikita na naulit ang pangalan ng lungsod na ito.
aMga tuwirang-pinamamahalaang munisipalidad.
bMga sub-probinsiyal na lungsod bilang mga kabiserang panlalawigan.
cHiwalay na mga lungsod ng pagpaplanong-estado.
1Mga natatanging sonang-ekonomiko na lungsod.
2Mga lungsod ng pagpapaunlad sa baybaying-dagat. 3Ang antas ng kabiserang pamprepektura ay itinatag ng Lalawigan ng Heilongjiang at hindi kinikilala ng Ministry of Civil Affairs. Pinagtatalunan ng Oroqen Autonomous Banner, Hulunbuir, Monggolyang Interyor bilang bahagi nito. 4Ito ay namamahala lamang sa mga pulo at katubigan sa Dagat Timog Tsina at walang pusod urbano kung ikokompara sa karaniwang mga lungsod sa Tsina. Pakitingnan ang mga sigalot sa teritoryo sa Dagat Timog Tsina. 5Wala na anumang panloob na dibisyon ang inaangking lalawigan ng Taiwan tulad ng inihayag ng Ministry of Civil Affairs ng PRC, dahil sa kawalan ng tunay na hurisdiksiyon. Sa halip, pakitingnan na lamang ang Padron:Mga paghahating pampangasiwaan ng Taiwan.
Lahat ng mga panlalawigang kabisera ay unang nakatala sa mga antas-prepektura na lungsod ayon sa lalawigan.