Mayroon din itong atomikong timbang na 20.183, punto ng pagkatunaw (MP o melting point) na 248.67 °C, punto ng pagkulo (BP o boiling point) na 245.95 °C, at V na 0.[13] Bagaman isang napakakaraniwang elemento sa uniberso, bihira ito sa mundo. Isa itong hindi magalaw, walang-kulay, at hindi nakikitang gas sa pamantayang mga kalagayan o kundisyon. Nagbibigay ang neon ng kakaiba at natatanging mamula-mula o naranghalang katingkaran kapag dinaanan ng kuryente[13] at kapag ginamit sa tubong Geissler o tubong pangdiskarga at mga lamparang neon (ilawang neon).[14][15] pangkalakalan (commercial) na nakukuha ito mula sa hangin, kung saan natatagpuan ito sa maliliit o bakas na mga bilang. Ginagamit ito para sa mga ilaw ng neon ng lungsod.[13] Nagmula ang salitang neon sa salitang Griyegong nangangahulugang "bago". Natuklasan ito nina William Ramsay (binabaybay ding William Ramsey[13]) at Morris W. Travers noong 1898.[13]
Hindi ito nagkakaroon ng reaksiyon at hindi sumasanib sa iba pang mga elemento,[13] kaya't matatagpuan nag-iisa o nagsasarili lamang. Bagaman may katangiang maging mapula o narangha kapag dinaanan ng kuryente, umiilaw o nagliliwanag rin ito na may iba't ibang mga kulay. Dahil sa kalidad o katangiang ito ng neon, kaya ito ginagamit sa mga karatula.
↑ 5.05.1Haynes, William M., pat. (2011). CRC Handbook of Chemistry and Physics (ika-92nd (na) edisyon). Boca Raton, FL: CRC Press. p. 4.122. ISBN1-4398-5511-0.{cite book}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Shuen-Chen Hwang, Robert D. Lein, Daniel A. Morgan (2005). "Noble Gases". in Kirk Othmer Encyclopedia of Chemical Technology, pages 343–383. Wiley. doi:10.1002/0471238961.0701190508230114.a01.pub2
↑Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.{cite book}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp. E110. ISBN0-8493-0464-4.{cite book}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Ramsay, William; Travers, Morris W. (1898). "On the Companions of Argon". Proceedings of the Royal Society of London. 63 (1): 437–440. doi:10.1098/rspl.1898.0057.{cite journal}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Kohtaro Kohmoto (1999). "Phosphors for lamps". Sa Shigeo Shionoya and William M. Yen (pat.). Phosphor Handbook. CRC Press. ISBN9780849375606.{cite book}: CS1 maint: date auto-translated (link)